“PANGARAP”
Isinulat ni: Arame N. Ramos
I
Mayaman man o mahirap
Mayaman man o mahirap
May kanya-kanyang pangarap,
Buhay man ay mahirap
Kanya-kanya paring sikap.
II
Pangarap ay paghandaan
Upang hinaharap ay may patutunguhan,
Dapat din nating pag-isipan
Upang hindi natin pagsisihan.
III
Pangarap natin ay parang bituin
Mahirap man itong abutin,
Hindi parin dapat balewalain
Dapat pa nating pag-yamanin.
IV
Pangarap natin ay makakamptan
Kung mayroon tayong kasipagan,
At ito’y ating makakamtan
Kung tayo’y may sapat na KARUNUNGAN.